Home NATIONWIDE PBBM sa ASEAN, Australia: Manindigan nang may respeto sa pagpapatupad sa rules-based...

PBBM sa ASEAN, Australia: Manindigan nang may respeto sa pagpapatupad sa rules-based international order

MANILA, Philippines – HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang ASEAN member states at Australia na maging matapang na panatilihin ang paggalang at paninindigan at pagtibayin ang rules-based international order.

Ito’y sa gitna ng kamakailan lamang na harassment na ginawa ng puwersa ng Tsina laban sa barko ng Pilipinas sa South China Sea (SCS).

Sa pagsasalita ng Pangulo sa Leaders’ Retreat, araw ng Miyerkules, binigyang diin ng Chief Executive na ang rules-based international order ay nagmula sa aral ng kasaysayn.

“Conflicts and war necessitated an international order based on institutions and rules which are of universal import,” ayon sa Pangulo.

“It therefore behooves the Philippines, ASEAN, and Australia, and all like-minded states to exercise the boldness and sense of responsibility to remain committed to the peaceful resolution of disputes and to maintain respect for the rules-based international order and multilateralism, especially in the face of deliberate efforts by others to denigrate, deny, and even violate international law,” dagdag na wika ng Pangulo.

Giit pa ng Chief Executive na hindi na aniya dapat pang ulitin ang nangyari sa kasaysayan upang makilala ang leksyon o aral nito.

Sa kabilang dako, sinabi ng Pangulo na walang balak ang kanyang administrasyon na ibigay ang kahit na isang pulgada ng sovereign territory ng Pilipinas “as we are committed to defending our rights within the parameters recognized by international law.”

Binigyang diin ng Punong Ehekutibo na nananatiling responsibilidad ng bawat estado na i-promote at protektahan ang mga alituntunin ng international law as much as any other state facing wanton military might.”

“Excellencies, we all have our respective positions on recent developments around the world,” aniya pa rin.

“The disruptions caused by the COVID pandemic, the war in Ukraine, and the developments in the Middle East have taught us invaluable lessons on the paramount importance of the need to deftly and delicately manage the growing challenges of geopolitics, recognizing that their adverse effects on our interconnected economies will certainly affect the well being of all our citizens,” litaniya ng Pangulo.

Idagdag pa rito, nanawagan naman si Pangulong Marcos sa ASEAN member states na balangkasin ang mga gusot “not simply as rivalry between major powers, but as direct challenges to the sovereignty of independent states whose well-being, both politically and economically,are interdependent and intertwined.”

“Peace is both a global public good and one of humanity‚Äôs highest values that no one state should put at risk, for whatever gain or motive,” ayon sa Pangulo. Kris Jose

Previous articleBagong batch ng K-12 graduates sisikaping mabigyan ng NC1, NC2 para makapagtrabaho
Next article2 tirador ng cellphone nadakma ng mga parak sa SJDM