Home NATIONWIDE Bagong batch ng K-12 graduates sisikaping mabigyan ng NC1, NC2 para makapagtrabaho

Bagong batch ng K-12 graduates sisikaping mabigyan ng NC1, NC2 para makapagtrabaho

MANILA, Philippines – Sisikapin ng Senate Committee on Basic Education na itulak sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na mabigyan ng sertipiko ang mga bagong batch ng K-12 graduates sa school year 2024-2025.

Ito ang inihayag ni Senator Sherwin Gatchalian, Chairperson ng Senate Committee on Basic Education sa Kapihan sa Manila Bay Forum, nitong Miyerkules, Marso 6.

Ayon kay Gatchalian, itutulak nito sa TESDA na i-certify at mabigyan na ng National Certificate-ang NC1 at NC2, upang makahanap na ng trabaho ang mga bagong magtatapos na mga senior high.

Sinabi ng senador, maaari pa itong maihabol dahil may nakalaan naman na aniyang badget na halos P500 milyon para i-certify ng TESDA ang mga bagong senior high graduates simula sa susunod na taon o sa next school year (2024-2025).

“TESDA will now evaluate ,those who took techbook and then if they passed they would be given certification—so pag-graduate niya, dalawa ang hawak niya—a diploma and a national certification and that national certification will enable him to get employment,” saad ni Gatchalian.

Libre na rin aniya ang NC1 at NC2 sa mga senior high school na makukuha rin sa TESDA.

SUBSIDY

“It’s unfair that we are allocating budget in subsidy for the non-poor,” pahayag ni Gatchalian matapos matuklasan na maraming non-poor students ang nakakuha ng subsidy o discount mula sa gobyerno.

Ayon sa senador, natuklasan na 8 bilyong private schools ang nakakakuha ng subsidy mula sa GASTPE program ng gobyerno.

“Itong Gastpe is a good program because it gives our poor students an opportunity to study in the private school but lets make it, make sure that the poor is given the opportunity –because right now, it not happening that way,” saad pa ng senador.

PAGBABALIK NG KLASE SA HUNYO

Binanggit ng senador ang ilang mga bagay na isinaalang -alang sa posibleng pagbabalik ng pagbubukas ng klase sa Hunyo.

Katunayan, ayon sa senador sa isinagawa nilang survey, nasa halos 90 percent ang constituents na nais maibalik ang lumang school calendar.

Pero ayon kay Gatchalian, hindi naman ito maaaring biglain dahil kapag ito ay nangyari ay magkakaroon ng isang taon na walang summer break kaya kailangan itong dahan-dahaning ibalik.

“Infact we conducted the hearing and there are pros and cons staying with this calendar,” ani Gatchalian.

Aniya, ang pinakamasama ay ang ‘init’ lalo na sa ibang bahagi ng ating bansa katulad ng Tuguegarao sa Cagayan. Karamihan sa mga estudyante ay nagdurusa sa sobrang init dahil walang aircon.

Ilang mga outdoor activities din aniya ay hindi naisasagawa. Ang summer din aniya base sa sinasabi ng mga psychologist, ito ay “family time” na nawala dahil sa paggalaw ng school calendar.

“So we supported the reversion to the old calendar in which the summer break is through summer.”

Kung maaalala aniya, ginawang Oktubre ang pagbubukas ng klase dahil na rin sa pandemya dulot ng COVID-19 kaya natulak din ang summer break hanggang sa ito ay nagtuloy-tuloy na ngunit muli aniyang ibabalik ang transition nang dahan-dahan sa old school calendar. Jocelyn Tabangcura-Domenden