Home NATIONWIDE 2 tobacco bills vs smuggling naipasa sa Kamara

2 tobacco bills vs smuggling naipasa sa Kamara

MANILA, Philippines- Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang dalawang panukala na tutugon sa revenue loss na resulta ng smuggling sa tobacco at vape products.

Sa botong 190 pabor at apat na tutol, pasado na ang House Bill 11360 na naglalayong amyendahan ang National Internal Revenue Code.

Sa ilalim ng panukala ang excise tax rates ay itataas 2 percent simula 2026 at 4% pagdating ng 2027 hanggang Disyembre 31, 2035.

Ang heated tobacco products ay papatawan ng tax na P41 kada pakete habang ang sigarilyo at vape products ay papatawan ng P66.15 levy kada pack.

Nakapaloob din sa panukala na bibigyan ng awtoridad ang Pangulo ng bansa na magdagdag ng tax rates ng hanggang 5 percent at rerebyuhin ang tax rates makalipas ang 10 taon.

Sa panig ni Nueva Ecija Rep. Mikaela Suansing, sinabi nito na ang pagpapatupad ng panukala ay magbibigay-daan para makalikom ng P66 billion revenue sa loob ng limang taon.

Sa botong 177 pabor, pasado na rin ang House Bill 11286, kung saan sa ilalim ng panukala, may mandato na maglagay ng track-and-trace system sa tobacco products.

“The measure requires secure digital markers with unique identifiers on all tobacco products” ayon sa panukala.

Sa oras na maipatupad ay magkakaroon ng kapangyarihan ang BIR at National Telecommunications Commission na tanggalin ang pekeng tobacco products na nasa online platforms na walang digital markers. GailMendoza