MANILA, Philippines – Tiyak na sa loob ng bilangguan magpapasko ang dalawa pang drug suspek matapos masakote ang mga ito sa buybust operation ng pulisya sa bahay mismo ng target sa operasyon sa Barangay New San Jose, Dinalupihan.
Batay sa ulat ni Dinalupihan Municipal Police Station Chief of Police Lt.Col Marcelino Marcos Teloza kay Central luzon Police Director Brigadier General Ponce Rogelio Peñones Jr.
Kinilala ng pulisya ang target sa operasyon na si alyas “Toping”, 50 anyos, residente sa naturang lugar at kasabwat nitong si alyas “Alex”, 33 anyos na taga-Palihan, Hermosa, Bataan.
Sa ulat, nadakip ang mga suspek makaraang maaktuhan magkasabwat umano sa pagbebenta ng shabu sa undercover police.
Aminado ang mga suspek sa pagbebenta ng shabu, na ginagawa daw niya ito para makalibre ng gastos sa paggamit ng iligal na droga.
Narekobet sa mga suspek ang ilang pakete ng suspected shabu na may timbang na 8.3 grams at standard drug price na higit P56,000 at ang marked money na ginamit sa buybust.
Nahaharap ang mga nadakip na suspek sa kasong paglabag sa mas pinaigting na Dangerous Drug Law. ROEL TARAYAO