MANILA, Philippines – Para makasigurong walang nakakapasok na iligal na droga at anumang uri ng kontrabando sa mga piitan, ay muling nagkasa ang Bureau of Jail Management at Penology (BJMP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng paggalugad sa male at female jail facilities at sorpresang drug test sa mga Person Deprive of Liberty (PDL) at mga Jail Personnel ng Arayat Municipal Jail at Angeles City Jail.
Alinsunod sa programang Operation “Greyhound”, magkatuwang na ginalugad at hinalughog ng BJMP at PDEA katulong ang K9 Unit ang mga nasabing piitan.
Kaalinsabay din ng operasyon ang paglulunsad ng sorpresang drug test sa mga PDL at Jail Personnel sa naturang mga jail facilities
Sa operasyon, nag-negatibo sa presensiya ng iligal na droga, paraphernalia at anumang uri ng kontrabando ang mga bilangguan.
Negatibo rin sa urine samples ang mga PDL at mga Jail Personnel. ROEL TARAYAO