Home METRO 2 turistang Koreano nabiktima ng magnanakaw; P350K tinangayMETRONATIONWIDETOP STORIES 2 turistang Koreano nabiktima ng magnanakaw; P350K tinangayApril 11, 2025 13:39 FacebookTwitterPinterestWhatsAppTikTok MANILA, Philippines – Nabiktima ng magnanakaw ang dalawang turistang Koreano nang ilapag nila ang kanilang bag sa Cebu City.Nakuha mula sa dalawang biktima ang P350,000 at $90 na pera.Ayon sa ulat, namamasyal ang dalawa sa Barangay Busay kung saan nilapag nila ang kanilang bag dahil abala sila sa pagkuha ng mga larawan.Ilang sandali lamang ay may isang lalaking lumapit sa pwesto ng mga Koreano kung saan nilapag ng mga ito ang kanilang bag.Nang makakuha ng tiyempo ay mabilis na pinulot ng lalaki ang isa sa mga bag ng turista saka tumakas.May pitong kasabwat umano ang katawan at agad na tumakas sakay ng dalawang taxi.Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa insidente, habang nakauwi na sa Korea ang dalawang turista. RNT/JGC