Home METRO 2 utas sa landslide sa Benguet

2 utas sa landslide sa Benguet

1
0

BENGUET, Philippines – Dalawang lalaki ang namatay habang isa ang nakaligtas matapos matabunan ng landslide ang isang bulalo shop sa La Trinidad, Benguet nitong Huwebes ng umaga.

Ayon sa pulisya, nasa kusina ang tatlong biktima at nagluluto nang gumuho ang lupa matapos ang ilang araw na malakas na pag-ulan.

Narescue ang nakaligtas bandang alas-10 ng umaga, habang dead on the spot ang dalawa.

Pinayuhan din ang iba pang residente sa lugar na lumikas bilang pag-iingat.

Patuloy na nagdadala ng malalakas na pag-ulan ang Tropical Depression Maymay at habagat sa iba’t ibang bahagi ng bansa, ayon sa PAGASA. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here