Home NATIONWIDE Pasok sa Senado, Kamara, sinuspinde sa bagyong Maymay, Habagat

Pasok sa Senado, Kamara, sinuspinde sa bagyong Maymay, Habagat

1
0

MANILA, Philippines – Sinuspinde ang trabaho sa Senado at House of Representatives nitong Huwebes, Agosto 6, 2026 dahil sa Tropical Depression Maymay at habagat.

Ayon sa dalawang kapulungan, ipinatupad ang suspensyon alinsunod sa Memorandum Circular No. 122 ng Malacañang na nagsususpinde ng trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno at klase sa lahat ng antas sa Metro Manila at ilang lalawigan dahil sa malakas na ulan.

Sinabi ng House leadership na magpapatuloy ang operasyon ng mga tanggapang may mahahalagang serbisyo at hinikayat ang lahat ng empleyado na mag-ingat at maghanda ng mga kinakailangang suplay.

Sinuspinde rin ni Senate President Sherwin Gatchalian ang trabaho sa Senado.

Ayon sa PAGASA, humina na ang Maymay at isa na itong tropical depression, ngunit may ilang lugar pa rin na nasa ilalim ng Signal No. 2. Bandang alas-8 ng umaga, namataan ang bagyo sa Tayum, Abra na may lakas ng hanging 55 kph at pagbugsong hanggang 90 kph habang mabagal na kumikilos pa-timog-silangan. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here