MANILA, Philippines – Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa 16 na lugar sa Luzon matapos tumawid ang Tropical Depression Maymay sa Tanudan, Kalinga, ayon sa PAGASA.
Kabilang sa mga apektadong lugar ang Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, bahagi ng Pangasinan, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, mainland Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, at bahagi ng Aurora, pati ang timog na bahagi ng Babuyan Islands.
Taglay ni Maymay ang lakas ng hanging aabot sa 55 kph at pagbugsong hanggang 90 kph. Mabagal itong kumikilos pa-timog-silangan.
Ayon sa PAGASA, tatawid ang bagyo sa bulubunduking bahagi ng Northern Luzon bago lumabas sa silangang baybayin ng Isabela o Cagayan. Inaasahan ding hihina ito at maaaring maging remnant low ngayong hapon o gabi bago tuluyang magsanib sa sirkulasyon ng Tropical Cyclone Dolphin. RNT/MDS