Home NATIONWIDE 2-week ceasefire ng US, Iran sasamantalahin ng Pinas upang mapataas suplay ng...

2-week ceasefire ng US, Iran sasamantalahin ng Pinas upang mapataas suplay ng langis sa bansa – PBBM

135
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na sasamantalahin ng Pilipinas ang two-week ceasefire sa pagitan ng Estados Unidos at Iran para hangga’t maaari ay maitaas ang suplay ng langis sa Pilipinas.

Sa isang video kung saan tinanong at hiningan ng reaksyon ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro si Pangulong Marcos ukol sa nasabing two-week ceasefire sa pagitan ng US at Iran, sinabi ng Pangulo na ipagpapatuloy din niya na magkaroon at makalikha ng anumang posibleng kasunduan.

Umaasa at dumadalangin din ang Pangulo na mapalalawig pa ang ‘two week ceasefire’ kapag ang pag-uusap ay naging maayos.

Aniya pa, kumbinsido siya na ang lahat ay nagnanais na matapos ang gulo sa Gitnang Silangan.

“So hopefully all the parties will come together,” anito.

“But we, we have the two weeks, we will take as as much advantage of it as we possibly can by by assuring the supply of petroleum products in the Philippines and hopefully being able to do something about the pricing kasi luluwag nga ang market,” ang tinuran ng Pangulo.

“So, you know, it’s a very simple demand and supply situation. so hopefully that will that will medyo bababa ang presyo ng langis pero titingnan natin. Because it’s so volatile, two weeks may not be enough time to bring the prices down,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

Subalit kung ito aniya ay mapapalawig kaysa sa inaasahan na mas mabuting situwasyon, pagkatapos nito ay magsisimulang sumunod ang mga presyo.

Sa kabilang dako, sinabi pa ni Pangulong Marcos na kung kasama sa kasunduan sa pinag-usapan na ceasefire ay ang posibleng muling pagbubukas ng Strait of Hormus, ibig sabihin lamang aniya nito ay libo-libong pinoy seafarer ang makapagpapatuloy na ng kanilang trabaho at operasyon.

“Pangalawa, we will then, we will, we will then hopefully be able yung mga natin yung mga supply na na-ilakad natin nung nag-aantay tayo ng bubukas, baka pwede na ng padaanin. At kasama na rin diyan yung naging arrangement natin sa Iran na pumayag naman sila na Philippine flag na vessel ay pwede nilang paraanin. At yung mga supplies na pupunta papuntang Pilipinas pwede nilang padaanin,” ang pahayag ni Pangulong Marcos sabay sabing

“So and then of course to provide security and care of our seafarer.”

Nauna rito, itinuturing ng Malakanyang na isang napakagandang balita ang posibleng two -week ceasefire sa pagitan ng Estados Unidos at Iran dahil maaaring maging daan ito sa permanenteng pagtatapos ng digmaan sa Gitnang Silangan.

Sa isang panayam, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Dave Gomez na magandang senyales ang napaulat na ‘two-week ceasefire’ at sana aniya ay magtuloy-tuloy ito lalo pa’t lahat naman ay umaasa na matapos na kaagad ang digmaan sa Gitnang Silangan

Aniya pa, pagdating sa usapin ng langis, ang unang-unang binabantayan aniya ng gobyerno ay ang oil supply.

“And bago ini-announce ‘tong ceasefire na ‘to, medyo healthy pa yung buffer natin na 50-51 day supply. Nandoon pa rin siya sa range ng pre-war range natin na nasa 45 days to 60 day na buffer supply,” ayon kay Gomez.

“So, healthy pa yung supply natin. We we have enough supply at hopefully mag-improve pa lalo yung yung supply natin. Isa tinitingnan natin ano. since pagbubukas ng straight of Hormuz itong dalawang linggong ‘to,” aniya pa rin.

Bukod dito aniya ay tinitingnan at binabantayan din nila ang presyo ng langis.

“Binabantayan din natin yung presyo ng ng Brent, ng Dubai, ng Mops and hopefully ma-reflect, ma-reflect sa pump prices as possible para maramdaman kaagad ng ating mga kababayan yung immediate effect nitong ceasefire,” ani Gomez.

Sinabi ni Gomez na mula nang magsimula naman kasi ang digmaan hanggang ngayon na nag-umpisa na ang ceasefire ay mararamdaman din agad ng lahat ang epekto nito.

Sa ulat, Inihayag ni Donald J. Trump ang planong pansamantalang pagtigil ng mga operasyong militar laban sa Iran sa loob ng dalawang linggo, kasunod ng mga usaping diplomatiko kasama ang mga lider mula sa Pakistan.

Ayon sa pahayag, nagkaroon ng pag-uusap sina Trump, Shehbaz Sharif, at Asim Munir kung saan hiniling ng panig ng Pakistan na ipagpaliban muna ang planong pag-atake laban sa Iran.

Bilang kapalit, inaasahan umano na papayag ang Iran na buksan nang ligtas at agad ang Strait of Hormuz isang mahalagang ruta ng pandaigdigang kalakalan ng langis.

Ayon pa kay Trump, ang planong tigil-putukan ay magiging “double-sided ceasefire,” na nangangahulugang parehong panig ang magpapatigil ng aksyong militar. Aniya, natamo na ng Estados Unidos ang kanilang mga layuning militar at malapit na rin umano sa isang pangmatagalang kasunduan para sa kapayapaan sa Gitnang Silangan.

Dagdag pa rito, nakatanggap umano ang U.S. ng 10-puntong panukala mula sa Iran na kanilang nakikitang matibay na batayan para sa negosasyon. Sa loob ng dalawang linggong tigil-putukan, inaasahang maisasapinal ang mga kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa.

Samantala, patuloy na minamatyagan ng international community ang sitwasyon, lalo na’t may malaking epekto ito sa seguridad at ekonomiya ng buong mundo. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here