Isang pabigat at hindi makatarungang pasanin para sa developing countries ang pinakabagong pagtataas sa mandatory membership fee ng World Health Organization. Ito ang pangalawang 20% hike na ipinataw ng WHO.
“For 2026 and 2027, this membership fee increase will amount to an additional $120 million per year, drawn straight from taxpayers around the globe. These ‘contributions’ are a significant amount for developing countries to fund their more important priorities,” ayon sa Consumer Choice Center, isang international non-partisan consumer advocacy group na nakapagtaguyod ng ‘smart policies’ na akma para sa paglago, nagpo-promote ng lifestyle choice, at pagtanggap sa tech innovation.
Ayon sa kasaysayan, ang budget ng WHO ay hinugot mula sa voluntary contributions na mahigpit na itinalaga ng donors para sa partikular na programa. Ang pagkakaiba, ang mandatory annual membership fees, kilala bilang assessed contributions, ibinigay sa WHO na may flexible funding na maaari itong maglaan ng may ganap na kontrol.
“While global healthcare systems buckle under the strain of underfunding, growing waitlists, and staff shortages, the WHO is busy redirecting hundreds of millions of dollars into flexible, unaccountable funding streams it controls without oversight,” ang sinabi ng CCC.
“Unlike voluntary contributions from nations that are earmarked for specific health programs, annual membership fees allow WHO leadership—particularly Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus—almost free rein in how the funds are spent,” dagdag nito.
Naniniwala naman ang CCC na “it might explain why more money is being used to upgrade the WHO’s Geneva headquarters than to fight polio. Or why the agency’s senior staff members enjoy perks such as $33,000-per-child education allowances—enough to fund lifesaving HIV treatment for 110 South Africans for a full year. Meanwhile, the average cost of employing the WHO’s 301 most senior staff totals nearly $130 million annually—roughly $432,000 per person, including generous benefits and allowances.”
Dahil sa pinansiyal na paghihigpit sa WHO, ito ang nagbunsod sa Estados Unidos na umalis sa ahensya, inaprubahan ng WHO member states ang 20% increase sa membership fees habang inendorso ang 2026–2027 budget ng organisasyon na US$ 4.2 billion sa panahon ng 78th World Health Assembly na idinaos sa Geneva noong May 20, 2025. Inaprubahan ng member states ang WHO budget sa biennial basis.
Para ilagay ang opportunity cost ng ‘bloated bureaucracy’ ng WHO sa perspektibo, ipinagpalagay ng CCC na ang karagdagang $120 million sa membership dues kada taon ay maaaring direktang pondohan ang healthcare para sa 15,000 Germans, 40,000 Poles, 82,000 Georgians, 100,000 South Africans, at 500,000 Indians. Kabilang sa mga plano para sa paggasta sa budget ng WHO ay ang pagtatayo ng ekstensyon para sa headquarters ng ahensiya sa Geneva, itinuturing na “the most expensive city” sa buong mundo para sa konstruksyon.
Ang Geneva ay venue o lugar rin para sa paparating na 11th Conference of Parties to the WHO Framework Convention on Tobacco Control sa darating na Nobyembre, sumailalim din ito sa masusing pagsisiyasat dahil sa kakulangan ng ‘ transparency at impartiality.’
Sa kabilang dako, kamakailan lang ay winakasan na ng WHO ang kontrata ni Dr. Takeshi Kasai, dating pinuno ng Western Pacific Regional Office nito sa Maynila, kasunod ng internal investigation sa alegasyon ng mapang-abusong pag-uugali. Si Dr. Kasai, nanguna sa WPRO simula pa noong 2019 ay inakusahan ng pangangalaga o pagkandili ng ‘toxic work environment’ kabilang na ang paggawa o pagbibitiw ng mapang-asar na pananalita sa Filipino staff. Kinumpirma naman ng WHO na makikita sa findings nito ang ‘misconduct’ at ang pagwawakas ay kasunod ng boto ng member states ng rehiyon.
Taliwas sa karaniwang pagsasanay sa iba pang United Nations agencies, gumamit ang mga WHO regional director ng malaking awtonomiya at awtoridad, sa Western Pacific office lamang pinangasiwaan ang 1.9 bilyong katao sa 37 teritoryo. Hindi naman nagpalabas ang WHO ng detalye ng internal investigation subalit kinumpirma noong nakaraan taon na si Dr. Kasai ay inilagay sa ‘on leave’ at pansamantalang pinalitan ni WHO Deputy Director-General Zsuzsanna Jakab.
Si Dr. Saia Ma’u Piukala, public health leader mula Tonga, ay umupo sa tanggapan bilang bagong regional director noong February 2024. Ang sitwasyon ay lumikha ng ‘renewed focus’ sa governance structure ng WHO at antas ng pangangasiwa na in-apply sa regional leadership habang ang organisasyon ay naghahanda para sa pangunahing ‘global policy discussions.’
Binatikos naman ng consumer group kung paano ang mga pondo ay naka-funnel sa ‘top-heavy administrative structure’ na may minimal transparency at kuwestiyonableng pananagutan, sa halip na ilaan para sa pandemic preparedness o child vaccination programs. Kris Jose