Home NATIONWIDE 20 pasahero ng Singapore Airlines na biktima ng severe turbulence, nasa ICU

20 pasahero ng Singapore Airlines na biktima ng severe turbulence, nasa ICU

SINGAPORE – Nasa 20 katao ang nasa intensive care sa mga ospital sa Bangkok matapos ang matinding turbulence na naranasan ng Singapore Airlines flight mula London na patungo sana sa Singapore.

Matatandaan na naunang iniulat na mayroong isa ang nasawi at mahigit 100 katao ang nasaktan dahil dito.

Ang Singapore Airlines flight SQ321 ay nakaranas ng “sudden extreme turbulence” sa bahagi ng Myanmar matapos ang 10 oras ng biyahe nito patungong Singapore nitong Martes, Mayo 21.

Nagresulta ito sa biglaang pagtaas-baba ng eroplano sa ere nang ilang beses.

Isa sa mga pasahero ay naitapon ng matindi sa kisame ng eroplano.

Makikita ang mga nagkalat na mga pagkain, bote, bagahe, at mga nakasabit na oxygen masks matapos ang insidente.

Nag-emergency landing ang naturang eroplano na may 211 pasahero at 18 crew sa Suvarnabhumi Airport sa Bangkok. RNT/JGC