Home NATIONWIDE 20 Pinoy arestado sa Nigeria drug bust

20 Pinoy arestado sa Nigeria drug bust

285
0

LAGOS, Nigeria – Ayon sa ahensyang nagpapatupad ng batas kontra-droga ng Nigeria na inaresto nito ang 20 Filipino sailors na nahuling nagpapadala ng hindi bababa sa 20 kilo ng cocaine mula Brazil patungo sa pangunahing daungan ng Lagos.

Sinabi ng National Drug Law Enforcement Agency (NDLEA) na naharang nito ang shipment ng top-grade cocaine noong Linggo sakay ng isang barkong nakarehistro sa Panama.

Ang cocaine ay ipinailalim sa mga kargamento nito, sinabi ng NDLEA sa isang pahayag. Hindi nito sinabi ang uri ng kargamento ngunit sinabing ang barko ay karaniwang naghahatid ng karbon sa pagitan ng Brazil at Colombia.

Ang all-Filipino crew ay dinala sa kustodiya para sa imbestigasyon.

Sa unang bahagi ng buwang ito, sinabi ng ahensya na nakikipagtulungan ito sa mga ahensya ng anti-drugs sa US at British upang imbestigahan ang isang kartel sa likod ng pag-import ng 1,000 kilo ng cocaine na natuklasan sa isang lalagyan sa daungan ng Lagos. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here