Home LIFESTYLE HEALTH 20 tigok sa QC sa ihi ng daga; 103 kaso naitala

20 tigok sa QC sa ihi ng daga; 103 kaso naitala

279
0

MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Quezon City Epidemiology and Surveillance Division ng 103 kaso ng leptospirosis at 20 pagkamatay hanggang nitong Hulyo 15.

Sa nasabing datos, tumaas ng 37% ang kaso at 67% ang bilang ng namatay kumpara noong nakaraang taon.

Ayon sa city health officials, dulot ng malalakas na ulan at pagbaha ang pagdami ng kaso.

Mula Hulyo 6 hanggang 12, may 17 bagong kaso at limang nasawi kasunod ng Bagyong Bising.

Pinakaapektado ang District 2 na may 32 kaso, kabilang ang 12 mula Barangay Commonwealth.

Halos kalahati ng mga kaso ay nagmula sa pagkakalubog sa baha.

Pinayuhan ang publiko na iwasang lumusong sa baha, gumamit ng proteksyon, at maghugas nang mabuti pagkatapos ng kontak sa maruming tubig. Agarang magpakonsulta sa health center kung nalusong sa baha. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here