MANILA, Philippines – Nagbabala ang Office of Civil Defense (OCD) sa mga LGU at komunidad kaugnay ng inaasahang malalakas na pag-ulan dahil sa Tropical Depression Crising at iba pang sistemang maaaring magpalakas ng habagat sa mga susunod na araw.
Pinayuhan ng OCD ang LGU na i-activate ang response plans, maghanda ng relief goods, at magbigay ng tamang impormasyon sa publiko.
Hinikayat din ang mga residente sa baha at baybaying lugar na maghanda ng go-bag, subaybayan ang opisyal na abiso, at sumunod sa utos ng paglikas kung kinakailangan.
Itinaas sa “blue alert” ang NDRRMC para sa mas mahigpit na koordinasyon at inactivate ang mga opisyal mula AFP, BFP, PCG, at PNP. Gumagana na rin ang virtual emergency operations center.
Nanawagan si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ng suporta mula sa mga ahensya, habang tiniyak ng OCD na handa silang tumulong sa mga LGU alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Santi Celario