Home NATIONWIDE 200 PDL sa Bilibid inilipat sa Leyte

200 PDL sa Bilibid inilipat sa Leyte

MANILA, Philippines- Nasa 200 persons deprived of liberty (PDLs) ang inilipat sa Leyte Regional Prisons (LRP) sa patuloy na hakbang upang masolusyunan ang siksikan sa New Bilibid Prisons.

Sa kalatas, inihayag Bureau of Corrections (BuCor) na nakarating na ang mga PDL sa Leyte Regional Prisons sa bayan ng Abuyog nitong March 9.

Ang paglilipat ng mga PDL mula sa NBP ay bahagi ng Master Decongestion Plan ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr.

Tiniyak ni C/Supt. Alfredo A. Devaras Jr., Superintendent ng LRP, na ang mga bagong turned-over na PDL ay sasailalim sa kaukulang reformation programs.

Sa rekord ng BuCor nasa 3,259 PDLs mula NBP at Correctional Institution for Women (CIW) ang nailipat na sa ibang prison facilities mula June 2022 hanggang January 2024.

Inilipat sila sa Davao Prison and Penal Farm sa Davao del Norte, Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro at sa Iwahig Prison and Penal Farm sa Palawan. Teresa Tavares

Previous articleGrassroot program sa Tuguegarao City pinakalakas ng PSC
Next articleAgarang aksyon sa voucher program discrepancies tiniyak ni VP Sara