Home NATIONWIDE 200 PDLs mula Leyte, inilipat sa NBP; tutulong sa green revolution

200 PDLs mula Leyte, inilipat sa NBP; tutulong sa green revolution

MANILA, Philippines – Nasa 200 persons deprived of liberty (PDLs) sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City ang inilipat na sa Leyte Regional Prison (LRP).

Sinabi ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. na malaking bagay ang paglipat ng mga PDL sa Leyte Prison dahil nangangailangan ito ng dagdag tulong para sa programa nito na “Green Revolution”.

Umalis ang 200 PDLs sa NBP Martes ng gabi at nakarating sa LRP kahapon, Pebrero 8.

Ang mga PDL ay sinamahan ng mga corrections officers at SWAT team at escort personnel mula sa iba’t ibang tangapan ng NBP.

Sa rekord ng BuCor mayroon 3,259 PDLs mula sa NBP at Correctional Institution for Women (CIW) ang nailipat na sa ibang prison facilities mula Hunyo 2022 hanggang Enero 2024.

Narelocate ang mga PDL sa Davao Prison and Penal Farm (DPPF) sa Davao del Norte, Sablayan Prison and Penal Farm (SPPF) sa Occidental Mindoro, at sa Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) sa Palawan.

Sinabi ni Catapang na aktibong sinusuportahan ng BucCor ang mga food security program ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagtatanim ng palay at mga gulay.

Inihayag ni Catapang na ang pagsusumikap ng Bucor ay para sa ikabubuti ng PDLs at ng ahensya sa kabuuan.

Kabilang sa mga hakbangin ng Bucor ay ang pakikipagtulungan nito sa Department of Agriculture (DA) at sa Philippine Economic Zone Authority (PEZA) para magamit at maging produktibo ang mga nakatiwangwang na lupa ng Bucor. Teresa Tavares

Previous articleMas maraming defense interactions sa Pilipinas, target ng Czech Republic
Next articleUnpaid wages ng lahat ng displaced OFWs mula Saudi, New Zealand bayaran na! – Villanueva