MANILA, Philippines – Iniulat ng Commission on Elections (Comelec) na sinimulan na ang pag-imprenta ng nasa 200,000 roadshow ballots kaugnay sa pagsasagawa ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary Elections (BPE) sa Oktubre 13.
Ayon kay Comelec spokesperson John Rex Laudiangco, ang roadshow ballots ay gagamitin sa demonstration ng automated counting machines (ACMs) na nakatakda sa susunod na buwan.
Sinabi ni Laudiangco na bukod sa roadshow ballots, mag-iimprenta rin ng training ballots para sa Election Boards (EBs).
Sa kabilang banda, ibinunyag ni Laudiangco na mayroong 2.2 milyong opisyal na balota na iimprenta para sa BPE.
Ang pag-iimprenta ng election materials ay gagawin sa National Printing Office (NPO) sa Quezon City.