Home ENTERTAINMENT Coco at Julia, bibili ng property sa Barcelona!

Coco at Julia, bibili ng property sa Barcelona!

339
0

Manila, Philippines — Kung pinili ni Bea Alonzo na bumili ng property sa kabisera ng Spain (Madrid), sa Barcelona naman balak mag-acquire ng ari-arian sina Coco Martin at Julia Montes.

Kaya pala aligaga ngayon ang Kapamilya actress sa pag-aaral ng Spanish cuisine.

Balitang kasama sa plano ng couple ang magtayo ng restaurant doon.

As it is now, si Julia ay nakapagsimula na ng food business dito sa Pilipinas.

Na-feature pa nga ni Karen Davila ang lugar kung saan niluluto ang mga ino-offer nitong dimsum, dumplings, siopao, at iba pa para sa takeout.

This time, mas gusto nina Coco at Julia na palawakin ang scope nito—gawing isang restaurant kung saan puwedeng kumain ang mga tao.

Julia must be taking up cooking lessons to acquaint herself with Spanish dishes.

Alam ng lahat na passion ni Julia ang pagluluto—siya mismo ang naghahanda ng pagkain ni Coco bilang baon kapag nasa taping ito.

Marami na ang nakasaksi kung gaano siya kaaligaga sa pag-aasikaso ng pagkain ni Coco.

Kung may sarili na silang restaurant sa Barcelona, does it mean na posibleng maisakripisyo nila ang kanilang showbiz career?

Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here