Home ENTERTAINMENT Bea, aminadong nakaka-edad na — tapos na sa love team!

Bea, aminadong nakaka-edad na — tapos na sa love team!

293
0

Manila, Philippines — Inihahandog ng Viva Films at Evolve Studios ang Posthouse, isang psychological horror film na kauna-unahang full-length directorial project ni Nikolas Red, sa pakikipagtulungan ng kanyang kapatid na si Mikhail Red (direktor ng Deleter at Lilim) bilang creative producer.

Tampok sa pelikula sina Sid Lucero at Bea Binene. Iinog ang kwento sa isang lumang pelikulang magpapalaya sa isang mapanganib na puwersang matagal nang nakakabit sa isang madilim na nakaraan.

Sa press conference ng Posthouse, natanong ang aktres na si Bea Binene tungkol sa mga paghahanda niyang ginawa para sa pelikula.

“Para sa amin, nag-script reading po kami. Syempre, nagtatanong din kami kay Direk tungkol sa character namin, tungkol sa mga relasyon ng mga tauhan, at kung paano ito ikikilos. Siguro po, kasama na rin ang paghahanda sa mga eksenang kailangan ng sigawan,” ani Bea.

Naitanong rin sa kanya kung may mga hamon ba siyang hinarap sa paggawa ng pelikula.

“Unang-una, I love everyone from the production. Lagi ko pong sinasabi—kahit kanino ako makausap—na mahal ko ang buong team ng Posthouse. Kahit ang production team, isa sila sa pinaka-efficient na nakatrabaho ko.

“Isang malaking karangalan na maging bahagi ng first directorial film ni Direk Micos, at makatrabaho si Sid Lucero. Ako naman po kasi, kapag may trabaho, nagpapasalamat tayo at grateful po ako sa mga bagong artista, bagong team, at bagong taong makakatrabaho,” pahayag niya.

Naitanong din si Bea kung ano ang kanyang pananaw sa love team.

Habang nakangiti, sagot niya, “Tungkol po sa tanong na wala bang love team dito, para sa akin, hindi ko po masyadong iniisip ’yan. Hindi naman po dapat umaasa sa love team.

“Maganda kung may ka-team ka sa trabaho, pero para sa akin, hindi ibig sabihin na dapat laging love team. Ang pagiging team ay kasama ang mga co-actors, creative team, production team, at management. Para sa akin, ’yun po ang mahalaga.

“Syempre gusto rin po nating makilala na tapos na po tayo sa love team. Medyo nagkaka-edad na rin po tayo. Gusto ko pong makilala bilang si Bea—na kahit sino ang makatrabaho, kaya kong gampanan ang role.”

Natanong din si Bea kung talagang nakakatakot ba ang pelikula.

“Meron pong isang eksena na sobrang nagulat po ako. Madali po akong mabigla at mabilis po akong tumili. May take kami na seryoso dapat, tapos biglang may nahulog na kung ano.

“As in, tumakbo po ako palabas ng camera habang tumitili. Sabi nila, ‘Sayang, sana nagamit natin,’ pero ang problema po, ’yung tili ko ay Aaaah!—parang pang-komedya, hindi pang-horror! Pero wala naman daw talagang nahulog.”

Sabay tanong ni Bea kay Sid: “Hinulog mo ba?”

Sagot ni Sid, “Wala akong alam.”

“Wala raw siyang alam, pero may nahulog na lang bigla. Siguro po mga ganung bagay, kaya talagang nakakatakot. Ang galing pa po ng production design,” dagdag pa ni Bea.

Mercy Lejarde

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here