Home METRO 2011 ‘chop-chop’ suspek arestado sa Laguna

2011 ‘chop-chop’ suspek arestado sa Laguna

MANILA, Philippines – Naaresto sa Santa Rosa City, Laguna ang suspek sa 2011 “chop-chop” case na si “Alberto.”

Siya ang huling nakitang kasama ng biktima noong Mayo 7, 2011, bago ito nawala.

Natagpuan ang tinadtad na bangkay noong Mayo 9, ngunit hindi agad nakumpirma ang pagkakakilanlan.

Noong 2024, isiniwalat ng tiyuhin ng biktima na umamin umano si Alberto sa krimen.

Kinumpirma ng DNA test na ang bangkay ay sa asawa ni Alberto.

Kinasuhan siya ng parricide, at inaresto matapos lumabas ang warrant noong Marso 11, 2025. Pinuri ng CIDG ang pagtitiyaga ng mga pulis sa kaso. RNT