Home METRO Meat trader kinatay ng mga kawatan

Meat trader kinatay ng mga kawatan

MANILA, Philippines – NAGTAMO ng saksak sa parte ng katawan nang matagpuan sa labas ng kanilang bahay ang isang meat trader na agarang ikinasawi nito, samantalang sugatan naman ang live-in partner nito matapos na kapwa pagsasaksakin matapos pagnakawan ng dalawang salarin, kaninang madaling- araw sa Barangay Sto Tomas, Calauan, Laguna.

Kinilala ni PLt. Col Jojo Sabeniano hepe ng Calauan Police station ang biktimang nasawi na si Marlon Evangelista, nasa hustong gulang, meat trader, habang ginagamot sa hospital ang live in partner nito.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya sa pinangyarihan ng insidente dakong alas-2:30 kaninang madaling-araw nang matagpuan ang mga biktima na duguang nakahandusay sa nabanggit na lugar.

Napag-alaman sa pagsisiyasat ng pulisya ang mga suspek kapwa nag-inuman muna bago isinagawa ang krimen.

Nabatid sa ulat na kaagad na nagsagawa ng hot pursuit operation ang Calauan PNP na humantong sa pagkaaresto sa isa sa dalawang suspek na pansamantalang hindi muna binanggit ang pangalan nito.

Nakilala naman ang mga suspek makaraang marekober ang sumbrerong naiwan ng isa sa mga suspek sa pinangyarihan ng krimen.

Narekober sa naarestong suspek ang mga ninakaw na kinabibilangan ng cellphone at cash money na umano ay pag–aari ng mga biktima. Ellen Apostol