Home NATIONWIDE Pagtestigo ni De Lima sa ICC ‘di pipigilan ng Malakanyang

Pagtestigo ni De Lima sa ICC ‘di pipigilan ng Malakanyang

MANILA, Philippines – Hindi tututulan ng Malacañang ang balak ni dating Justice Secretary Leila de Lima na tumestigo sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Crinimal Court.

Ito ay basta boluntaryo at aprubado ng mga taga-usig ang nasabing hakbang ng dating senadora, aton sa Malakanyang.

”Siguro kung iyan po naman po ay kaniyang boluntaryong gagawin at kung siya naman po ay papayagan sa ICC sa pamuno po ng prosecutors sa ICC, hindi naman po tayo tututol diyan,” ani Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro sa isang press briefing.

Matagal nang kritiko ni Duterte, nais ni De Lima magbigay ng ebidensya at tumestigo.

Iginiit niyang may batayan ito sa batas ng Pilipinas at desisyon ng Korte Suprema.

Nakulong siya nang pitong taon dahil sa mga kasong may kinalaman sa droga, ngunit lahat ay ibinasura bago siya pinalaya noong Nobyembre 2023. RNT