MANILA, Philippines – Sinabi ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na pinag-iisipan niyang magtago at hindi sumuko kung ipatupad ng ICC ang arrest warrant laban sa kanya.
“Well, kung wala tayong makita na na hustisya dito sa ating bansa, bakit ka susuko? ‘Di ba?” ani dela Rosa sa reporters. “Kasama ‘yan sa kino-consider natin. Kasama ‘yan sa courses of action na pwedeng gawin,” aniya pa.
Kinuwestiyon niya ang hustisya sa bansa at pinasalamatan si Senate President Escudero sa pagpapahintulot na manatili siya sa Senado habang dinadaan sa legal na proseso.
“I thank the Senate President that he’s willing to protect me while I am still a Senator of this Republic. It shows that the Senate, as an institution, stands for what is right.
“Hindi ko naman sinasabi na forever akong mag-standby dyan. So, meron pa ring ah kwan, meron pa, hanap pa rin tayong ibang courses of action na pwedeng gawin,” dagdag pa niya.
Si Dela Rosa, pangunahing nagpapatupad ng drug war ni Duterte, ay nabanggit sa ICC warrant kasama ang siyam na iba pa na hindi pinangalanan.
Hindi pa siya sigurado kung makakasama niya si Duterte sa The Hague kung maaresto. RNT