Home NATIONWIDE 2024 nagsara sa mas malakas na PH manufacturing growth

2024 nagsara sa mas malakas na PH manufacturing growth

MANILA, Philippines- Patuloy na lumawak ang manufacturing sector ng Pilipinas nito lamang Disyembre sa pagtatapos ng taon na may rate na huling nakita noong April 2022 sa likod ng mas mataas na ‘output’ at bagong kautusan, resulta ng pinakabagong survey na ginawa ng S&P Global, ipinalabas araw ng Huwebes.

Ang headline S&P Global Philippines Manufacturing PMI ay nakakuha ng 54.3 noong Disyembre, mas mataas kaysa sa 53.8 noong Nobyembre.

Tumutugma ito sa kaparehong pag-aaral na naitala noong April 2022, at joint-strongest simula noong November 2017.

“A reading above the 50.0 threshold indicates an expansion, while levels below indicate a contraction,” ayon sa ulat.

“The Filipino manufacturing sector ended 2024 on a positive note, with further improvements in demand resulting in sharp and significant increases in new orders and output,” ang winika naman ni S&P Global Market Intelligence economist Maryam Baluch.

Ang Output at bagong order growth ang pinakalamakas sa 32 buwan, suportado ng tinatawag na “anecdotal evidence of robust” na mahalaga sa “demand trends, product diversification, at bagong client acquisitions.”

Mayroon ding ‘renewed increase’ sa demand mula sa international markets habang ang bagong export orders ay tumaas sa unang pagkakataon sa loob ng limang buwan.

“Firms also expanded their purchasing activity to meet production requirements. December highlighted a moderation in inflationary pressures, marking a shift from the spike observed in November. In fact, cost burdens and output charges rose at historically muted rates,” ang tinuran pa rin ni Baluch sabay sabing, “while higher costs for materials and suppliers were mostly passed onto clients, the survey results showed that there was a renewed moderation in inflationary pressures after the peaks seen in November as cost burdens rose at a rate below historical average.”

“While production efficiency allowed manufacturers to stay on top of tasks at hand, it also led to a slight drop in employment, thereby ending a three-month streak of job creation. However, this could be a temporary blip, especially if demand remains resilient as anticipated throughout 2025,” dagdag na pahayag ni Baluch.

Iniulat naman ng mga respondent ang isang minor decrease sa kanilang hiring, habang pinanatili ng mga kompanya ang mga nagawang manatiling nangunguna sa kanilang workloads kahit pa mas marami ang bagong kautusan sa panahon ng backlog depletion rate na itinuturing na ‘most pronounced” sa loob ng 13 buwan.

Ang opisyal na government data sa manufacturing sa ilalim ng Monthly Integrated Survey of Selected Industries (MISSI) ay nakatakdang ipalalabas sa Pebrero 7, 2025. Kris Jose