Home NATIONWIDE 2024 nagsara sa P16.05T utang ng PH gov’t

2024 nagsara sa P16.05T utang ng PH gov’t

MANILA, Philippines- Tinapos ng gobyerno ang 2024 na may outstanding debt na P16.05 trilyon para sa mas maraming pondo at epekto ng paghina ng piso.

Batay sa datos mula sa Bureau of the Treasury (BTr), makikitang umakyat ang utang ng 9.8 porsyento o P1.44 trillion year-on-year noong 2024.

Subalit, pumalo ang total obligations sa mas mababa sa P16.06-trillion projection ng Marcos administration para sa 2024.

Katumbas ang kabuuang utang sa pagtatapos ng 2024 sa 60.7 porsyento ng gross domestic product (GDP), bahagyang mas mataas kumpara sa programa ng pamahalaan na 60.6 porsyento.

Bahagya ring mas mataas ang pinakabagong debt-to-GDP ratio kumpara sa 60-percent threshold ng tinukoy na “manageable” para sa developing countries. RNT/SA