Home NATIONWIDE PNP: 648 gun ban violators nahuli

PNP: 648 gun ban violators nahuli

MANILA, Philippines- Mahigit tatlong linggo matapos magsimula ang gun ban period para sa 2025 elections, nakapagtala na ang Philippine National Police (PNP) ng 648 gun ban violators.

Sa datos na ipinalabas ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia sa media, naitala ang bilang sa PNP election-related monitoring hanggang nitong Martes, February 4, alas-6 ng hapon.

Naaresto na ng PNP ang 605 sibilyan, 22 security guards, anim na Armed Forces of the Philippines personnel, apat na dayuhan, isang PNP personnel, tatlo pang law enforcement authorities, isang elected government official, at isang appointed government official.

Makikita rin sa datos na karamihan sa gun ban violators ay mula sa Metro Manila sa 190 kaso, sinundan ng Central Luzon sa 118, Central Visayas sa 77, at Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, and Quezon) sa 52.

Nagsimula ang gun ban period noong January 12 sa pag-uumpisa ng election period para sa May 2025 polls.

Nailalayon ng pagpapairal ng gun ban na matiyak ang kapayapaan at kaayusan, sa paniniwala ng pamahalaan na mababawasan nito ang gun-related violence sa darating na midterm polls. RNT/SA