Manila, Philippines- Pinag-uusapan sa isang portal ng mga nagma-Marisol ang pagkakaurong ng play date ng pelikulang “My Love Will you send You Disappear.”
Ayon sa update ng Star Cinema, sa Marso na ito ipapalabas instead na sa Abril.
Matatandaang naging kontrobersyal kamakailan ang KimPau dahil umano sa pag-unfollow ng dalawa sa social media page ng naturang film outfit.
Pinulutan din ng mga chikadora ang diumano’y emote ni Paulo ng tila pagbabanta na di tatapusin ang pelikula dahil naimbudo diumano sa move ng movie production arm ng ABS-CBN na ire-sked ang showing ng nasabing romcom.
May kibitzers namang iniintriga sina Kim Chiu at Kathryn Bernardo dahil umano sa priority ng Star Cinema.
Ayon sa mga pa-savage at ilang kafaneyan, mas paborito raw ng nabanggit na network si Kathryn kesa kay Kim.
Sey ng mga nang-iintriga, tila naitsapwera si Kim dahil hindi ito na-inform na naurong na ang playdate ng kanyang movie kahit todo promote ito with the mindset na para ito sa Valentine’s day.
Pagtatanggol naman ng ilan, hindi raw naman napapabayaan ng network ang chinita actress.
Katunayan, bukod sa sunod-sunod na mga proyekto at serye ay nakatutok din daw ang management kung paano pa mae-enhance ang potensyal ng actress sa hosting kaya isinama ito sa “It’s Showtime.”
Hirit pa ng iba, alaga rin daw ng Star Magic head na si Laurenti Dyogi kaya di ito nawawalan ng projects.
Bukas naman ang pahinang ito sa panig nina Kim, Kathryn at ng Star Cinema hinggil sa kontrobersya. Archie Liao