Home NATIONWIDE 2026 national budget mahigpit na babantayan ni PBBM

2026 national budget mahigpit na babantayan ni PBBM

MANILA, Philippines – BABANTAYAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukalang 2026 national budget upang masiguro na nakapaloob dito ang mga prayoridad ng kasalukuyang administrasyon.

Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ang naunang pahayag hinggil sa uupo ang Pangulo bilang observer sa bicameral budget deliberations sa panukalang proposed budget for 2026 ay hindi dapat ituring na literal.

“Literally, he will not definitely sit during the bicam meeting. This is just an expression to show to the people that he will keep an eye on the national budget for 2026,” ang sinabi ni Castro.

“The budget should be based on the priorities of the government and it should prioritize the shovel-ready projects of the government,” dagdag na pahayag ni Castro.

Kumpiyansa naman si Castro na walang magiging isyu sa budget deliberations upang matiyak ang maayos at mabilis na pagpasa sa panukalang 2026 budget.

Nauna rito, nagpahayag ng kahandaan si Budget Secretary Amenah Pangandaman na sumama sa budget deliberations ng bicameral conference committee sa panukalang 2026 national budget, kung kinakailangan.

Nais lamang din kasi ni Pangulong Marcos ani Pangandaman na matiyak na ang nakapaloob lamang sa 2026 national budget ay “shovel-ready projects.”

Samantala, ang budget ng national government para sa 2026 ay maaaring umabot sa P6.793 trillion. Kris Jose