LINGAYEN, Pangasinan — Nalunod ang isang 21-anyos na residente sa malalim na hukay sa isang barangay sa Lingayen sa gitna ng malakas na ulan nitong Lunes ng hapon, Agosto 3.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, umalis ang biktima sa kanilang bahay dakong alas-2 ng hapon upang maligo sa ulan.
Dakong alas-4:30 ng hapon, nakita siya ng dalawang residenteng naglalakad malapit sa isang sakahan habang nagpupumiglas sa tubig. Tinangka nilang sagipin ang biktima ngunit nabigo.
Tumulong ang mga tauhan ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office sa pagkuha sa katawan ng biktima, na dinala sa Lingayen District Hospital at idineklarang dead on arrival. RNT