Home METRO Bayan sa Basilan, isinailalim sa red category para sa BARMM polls

Bayan sa Basilan, isinailalim sa red category para sa BARMM polls

1
0

ZAMBOANGA CITY — Isinailalim ng Commission on Elections sa red category ang bayan ng Al-Barka sa Basilan dahil sa mataas na panganib sa seguridad para sa halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa Setyembre 14.

Ang mga lugar na nasa red category ang may pinakamataas na antas ng panganib dahil sa presensya ng mga armadong grupo, matinding tunggaliang pampolitika at kasaysayan ng karahasang may kaugnayan sa halalan.

May 13,664 rehistradong botante sa Al-Barka.

Isinailalim naman sa orange category ang mga bayan ng Tipo-Tipo at Tabuan-Lasa dahil sa seryosong banta sa seguridad mula sa mga lawless element.

May 14,960 botante ang Tipo-Tipo, habang 18,140 naman ang nasa Tabuan-Lasa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here