Home NATIONWIDE 21 Pinoy seafarers na nasagip mula sa MV Tutor, balik-Pinas ngayong Lunes

21 Pinoy seafarers na nasagip mula sa MV Tutor, balik-Pinas ngayong Lunes

MANILA, Philippines- Nakatakdang dumating sa Manila ngayong Lunes ng hapon ang 21 Filipino seafarers na nasagip mula sa barkong napinsala sa pag-atake ng Houthi noong nakaraang linggo, ayon sa Presidential Communications Office.

Inihayag ng Department of Migrant Workers (DMW) noong Sabado na 21 sa 22 Filipino seafarers ng MV Tutor ang nailigtas at nakarating sa Port of Manama, Bahrain bandang alas-5:30 ng hapon noong Sabado.

Tinanggap sila ni Philippine Ambassador to Bahrain Anne Jalando-on Louis at sasamahan ni DMW Labor Attaché Hector Cruz.

Inatake ng Houthi rebels ang Liberia-flagged coal carrier sa Red Sea noong Miyerkules.

Samantala, hinahanap pa ng mga awtoridad ang natitirang Filipino crewman sa loob ng abandonadong Liberia-flagged coal carrier, na hinihinalang na-trap sa engine room. RNT/SA