Home NATIONWIDE 23 Chinese na may kaugnayan sa illegal POGO ops, cyber fraud ipina-deport...

23 Chinese na may kaugnayan sa illegal POGO ops, cyber fraud ipina-deport na ng BI

270
0

MANILA, Philippines – Pinauwi na sa kanilang bansa ang 23 Chinese nationals na sangkot sa mga aktibidad ng illegal Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) at cyber fraud, iniulat ng Bureau of Immigration (BI) nitong Sabado, Nobyembre 22.

Sa pahayag, sinabi ni Alexi Val Arciaga, hepe ng deportation and implementation unit ng BI, na ang mga dayuhan ay sumakay ng Philippine Airlines flight patungo sa Shanghai Pudong International Airport nitong Biyernes ng umaga.

Samantala, sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na ang pagpapauwi sa 23 deportees ay kumikilala sa pagresolba ng administrasyon sa pag-aalis ng mga dayuhan na sangkot sa mga illegal na aktibidad.

Naaayon din ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palakasin ang crackdown sa illegal offshore gaming operators at foreign-linked criminal syndicates.

“As long as illegal online gaming facilities and scam hubs persist, our enforcement operations will continue. The public can expect more arrests and deportations in the days ahead. We will ensure that those who violate our laws are removed without delay,” aniya.

Ang deportation ay kasunod ng pinakahuling pagsasabatas ng Anti-POGO Law, na pinirmahan ng Pangulo noong Oktubre 23 na nagpapataw ng mas mahigpit na parusa at nagpapalakas sa kapangyarihan ng pamahalaan na ipasara ang illegal gaming hubs at scam operations. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here