Home METRO 24/7 parking area binuksan sa LRT-1 Dr. Santos Station

24/7 parking area binuksan sa LRT-1 Dr. Santos Station

1
0

MANILA, Philippines – Binuksan na ang 24/7 parking area sa LRT-1 Dr. Santos Station sa Parañaque City para sa mga commuter na nais iwan ang kanilang sasakyan bago sumakay ng tren.

Ayon sa Light Rail Manila Corporation (LRMC), pinapangasiwaan ng GlobalParking Management, Inc. ang naturang pasilidad.

Para sa cars at SUVs, P40 ang bayad sa unang limang oras at may dagdag na P10 kada succeeding hour.

Para naman sa motorcycles at e-bikes, P30 ang flat rate sa unang walong oras at P5 kada succeeding hour.

P100 naman ang overnight parking mula alas-10 ng gabi hanggang alas-7 ng umaga.

Mayroong 93 parking slots para sa mga kotse at 100 slots para sa motorcycles at e-bikes.

Nilagyan din ang parking area ng 24/7 security, CCTV surveillance at automated boom gates.

Libre naman ang parking para sa persons with disability (PWD) at senior citizens basta magpakita ng valid ID.

Kabilang ang Dr. Santos Station sa mga bagong istasyon ng LRT-1 na binuksan noong Nobyembre 2024 bilang bahagi ng Cavite Extension project. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here