Home NATIONWIDE 68 patay sa banggaan ng 2 high-speed train sa Spain

68 patay sa banggaan ng 2 high-speed train sa Spain

1
0

SPAIN – Umabot na sa 68 katao ang nasawi matapos magbanggaan ang dalawang high-speed train malapit sa Toledo, Spain nitong Miyerkules, habang nagpapatuloy ang search and rescue operations sa lugar.

Ayon sa mga awtoridad, ilang bagon ng dalawang tren ang nadiskaril at may mga bumagsak sa embankment matapos ang malakas na banggaan.

Daan-daang ambulansya, rescue vehicles at helicopters ang ipinadala sa lugar habang isa-isang sinusuri ng rescuers ang mga bagon para sa posibleng iba pang biktima.

Batay sa paunang impormasyon, isang tren na pinatatakbo ng Iryo ang huminto dahil umano sa signal fault matapos utusan ng railway infrastructure manager na ADIF.

Isang tren naman ng Renfe ang kalaunang bumangga sa nakahintong tren sa mataas na bilis.

Gayunman, sinabi ng Renfe na iniimbestigahan pa ang eksaktong sequence of events, traffic conditions at iba pang dahilan ng insidente.

May 147 pasahero umano ang sakay ng Iryo train habang 397 naman ang nasa Renfe train.

Hindi pa agad naglabas ang mga awtoridad ng kabuuang bilang ng mga nasugatan, habang nanawagan naman si Health Minister Mónica García sa publiko na mag-donate ng dugo.

Nag-activate na rin ang Renfe ng special assistance line para sa mga pamilya ng mga biktima, habang inilunsad naman ng Iryo ang emergency protocols nito.

Ito na ang ikalawang malaking deadly train accident sa Spain ngayong taon. Noong Enero, 46 katao ang nasawi sa isa pang banggaan ng high-speed trains sa Cordoba province.

Patuloy ang imbestigasyon sa sanhi ng pinakahuling aksidente. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here