Home METRO 24 barangay sa Bacolod, binaha sa malakas na pag-ulan

24 barangay sa Bacolod, binaha sa malakas na pag-ulan

219
0

NEGROS OCCIDENTAL, Philippines – Dalawampu’t apat na barangay sa Bacolod City, Negros Occidental ang binaha nitong weekend dahil sa malalakas na ulan.

Binaha rin ang iba pang pangunahing kalsada sa lalawigan noong Sabado ng gabi, dahilan upang maraming commuter ang ma-stranded.

Sinabi ni Bacolod City Disaster Risk Reduction and Management Office head Anna Maria Pornan, “Negros Occidental actually was under yellow rainfall kagabi. Especially, 6 o’clock. Meron tayong high tide mga 7:00 p.m.”

Matapos ang pagbaha, nagsagawa ng clearing at declogging operations ang mga tauhan ng engineering department ng Bacolod City.

Ayon sa Bacolod City DRRMO, 146 na indibidwal ang inilikas noong Sabado, ngunit nakabalik na ang mga residente sa kanilang mga bahay pagsapit ng Linggo ng umaga.

Iba pang lugar sa Negros Occidental ang nakaranas din ng pagbaha.

Sa Toboso, tumulong ang Bureau of Fire Protection sa pagsagip sa mga residenteng na-stranded ng baha. Ayon kay Toboso Municipal DRRMO head Hospicio Carbajosa, “Almost nine barangays dito sa Toboso, affected ng pagbaha. Nag-experience kami ng heavy rains…”

Sa Sagay City naman, dalawang barangay ang binaha kaya nagsagawa ng pre-emptive evacuation ang lokal na pamahalaan.

Sinabi ng PAGASA na ang shear line ang sanhi ng malalakas na ulan sa Visayas at ilang bahagi ng southern Luzon noong Sabado. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here