Home METRO 24 pulis positibo sa droga mula Enero ‘gang Agosto – PNP

24 pulis positibo sa droga mula Enero ‘gang Agosto – PNP

MANILA, Philippines – Nagpositibo sa illegal na droga ang 24 na pulis kasama si relieved Mandaluyong City police chief Col. Cesar Gerente at dalawa iba pang non-commissioned officers, sa isinagawang drug test mula Enero hanggang Agosto ayon sa Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Forensic Group (FG) director Brig. Gen. Constancio Chinayog Jr., 24 sa 115,983 police personnel na sumailalim sa initial screening sa buong bansa ang nagpositibo sa paggamit ng illegal na droga.

“Yung drug testing natin sa ating personnel is a continuing activity by the FG, sa katunayan for this year we already tested 115,983. Of this, meron tayong positive na 24, so percentage-wise, it is just .02 percent,” ani Chinayog, sa press briefing nitong Lunes, Setyembre 4.

Isinailalim sa confirmatory test noong Agosto 26 ang urine samples ng 24 na pulis, at nakatanggap pa rin ng positibong resulta sa paggamit ng shabu o marijuana.

Matatandaang inalis sa pwesto si Gerente bilang hepe ng Mandaluyong City police at pinalitan ni Col. Mary Grace Madayag noong Agosto 28. RNT/JGC