Home NATIONWIDE COC filing ‘di na palalawigin – Comelec

COC filing ‘di na palalawigin – Comelec

MANILA, Philippines – Iginiit ng Commission on Elections (Comelec) na hindi na palalawigin ang paghahain ng certificates of candidacy (COC) para sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

“No more po, that’s it po,” sabi ni Comelec spokesperson Rex Laudiangco sa mga mamamahayag ng tanungin kung magkakaroon pa ng extension.

Sinabi ni Laudiangco na mapapansin na ring kakaunti na ngayon ang bilang ng mga kandidato na naghahain ng kanilang COC.

“Hindi na ganun ka blockbuster. Since September 2 po,” sabi ni Laudiangco.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, kabuuang 1.366 milyong aspirants na ang naghain ng COC para sa BSKE.

Nauna nang sinuspinde ng Comelec ang paghahain ng COC sa National Capital Region dahil sa sama ng panahon.

Ipinagpatuloy ang paghahain nitong Sabado, Setyembre 2.

Samantala, ang 2023 BSKE ay gaganapin sa Oktubre 30. Jocelyn Tabangcura-Domenden