MANILA, Philippines- Nadakip ng Philippine National Police ang 24 indibidwal mula sa 30 naitalang kaso ng “indiscriminate” firing ng mga baril noong holiday season.
Kabilang sa 24 naaresto sa pagitan ng December 16 at January 2 ang isang military personnel, dalawang Bureau of Corrections personnel, isang security guard, at dalawang pulis.
Pinarurusahan ng Revised Penal Code ang mga indibidwal na “wilfully and indiscriminately discharge any firearm or other device that may not have been designed as firearm, but can be functionally used as a firearm” ng pagkakakulong ng hanggang anim na buwan.
Mas mabigat ang parusa para sa illegal discharge of firearms para sa military at law enforcement personnel.
Kabilang sa mga natitirang naaresto ay mga sibilyan habang tinutugis pa ang pito.
Nakumpiska naman ng PNP ang kabuuang 17 baril mula sa mga insidente.
Iniulat din ng PNP ang limang indibidwal na sugatan sa mga kaso ng indiscriminate firing.
Samantala, nakapagtala ng 14 kaso ng ligaw na bala sa parehong period: anim sa National Capital Region; isa sa Central Luzon; isa sa Central Visayas; tatlo sa Zamboanga Peninsula; isa sa Northern Mindanao; isa sa Davao Region; at isa sa Cordillera Administrative Region.
Nagresulta ang mga insidenteng ito sa walong injuries.
Samantala, mahigit 600,000 ilegal na paputok na ang nasamsam, batay sa PNP.
Sinabi ni Police Brig. Gen. Jean Fajardo na ang mga nakumpiskang paputok ay tinatayang nagkakahalaga ng P4.046 milyon.
May kabuuang 83 indibidwal naman ang nadakip kaugnay ng illegal possession and sale ng mga paputok.
Karamihan sa mga ito ay naiulat sa Calabarzon sa 42, sinundan ng Eastern Visayas sa 17 and Metro Manila with 10.
Ayon pa sa PNP, may kabuuang 822 ang nasugatan habang dalawa ang nasawi dahil sa paputok.
Naiulat ang dalawang namatay sa Ilocos Region at sa Central Visayas. RNT/SA