MANILA, Philippines- Nasa 170,000 pasahero ang nagtungo sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) nitong Huwebes sa pag-uwi ng mga nagbakasyon.
Ayon sa ulat, inaasahan ng PITX management ang patuloy na pagdagsa ng mga biyahero hanggang sa Linggo.
“Magkasama na yan yung mga nagsisiuwian galing sa probinsya at yung mga taga probinsya na nagbakasyon sa Metro Manila,” pahayag ni PITX corporate affairs head Jason Salvador.
Samantala, binabantayan ang mga pantalan sa inaasahang mahigit 600,000 pasahero mula ngayong Biyernes hanggang sa weekend RNT/SA