Home NATIONWIDE Pagluluwag ng Japan sa travel advisory patunay ng kaligtasan ng mga turista...

Pagluluwag ng Japan sa travel advisory patunay ng kaligtasan ng mga turista sa Mindanao – DOT

MANILA, Philippines- Ibinaba na ng Japan ang travel advisory levels nito sa ilang bahagi ng Mindanao.

Isa itong ‘welcome move’ at malinaw na patunay na ang Mindanao ay isang “safe destination for tourists” ayon sa Department of Tourism (DOT).

Sinabi pa rin ng DOT, ibinaba ng Japanese Foreign Ministry noong nakaraang buwan ang travel warning nito para sa mga Japanese national na bumibiyahe sa ilang bahagi ng Mindanao.

Sa binago nitong travel advisory, ang Davao region (Davao Oriental, Davao de Oro, Davao del Norte, Davao del Sur, at Davao Occidental) ay nasa Level 1 na mula Level 2, epektibo Dec. 19.

Ang mga nasabing lugar ay kasama na ng mga lungsod ng Mati, Tagum, Samal, Davao, at Digos, na nasa Level 1.

Ang risk advisory para sa Surigao City sa Caraga Region at natitirang bahagi ng Misamis Oriental sa Northern Mindanao ay ibinaba na rin sa Level 1 mula Level 2.

Nananatili naman sa ilalim ng Level 1 ang Cagayan de Oro City, Jasaan, Villanueva, at Tagoloan, at Siargao Islands

Pinagaan din ng Japan ang travel warning mula Level 3 sa Level 2 para sa silangang bahagi ng Sarangani Province, gaya ng Malungon, Alabel, Malapatan, at Glan.

Ang mga lugar naman sa kanlurang bahagi ng Sarangani Province (Maitum, Kiamba, at Maasim) ay nananatili sa Level 3.

Sa ilalim ng Level 1, “Japan only advises Japanese nationals to “take extra care” when traveling, Level 2 discourages them from making a non-essential and non-urgent trip to an area, while Level 3 advises them to refrain traveling at any time.”

Samantala, labis naman ang pasasalamat ni Tourism Secretary Christina Frasco sa Japanese government para sa pag-update ng kanilang advisory levels sa katimugan at nagpahayag ng pag-asa na mas maraming bansa ang susunod pa.

“This is a significant move that attests to the improved safety and security in the region as an aim to bolster tourism not only in the usual destinations but most importantly, in the emerging and lesser-known ones,” ani Frasco.

“Allowing foreigners to visit Mindanao likewise clearly manifests that the current administration promotes an inclusive environment that fosters equal growth and opportunities for Luzon, Visayas, and Mindanao. With this move from Japan, we wish that other nations will follow suit as the Philippines offers so much more than our sun and beach destinations,” dagdag na pahayag ng kalihim, tinukoy ang mas maraming atraksyon na maibibigay ng Mindanao kapwa sa lokal at dayuhang turista. Kris Jose