Home NATIONWIDE PH envoy: Xi Jinping imbitado sa inagurasyon ni Trump

PH envoy: Xi Jinping imbitado sa inagurasyon ni Trump

MANILA, Philippines- Sinabi ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez nitong Huwebes na inimbita ni US President-elect Donald Trump si Chinese President Xi Jinping sa kanyang inagurasyon sa Enero 20.

”So ‘yung mga inimbita ni President Trump, very ano siya eh, very informal naman ‘yun, inimbita niya si President Xi… tumawag sa kanya si Hungarian President so it’s very informal… ngayon sinabi niya in an interview kung gusto nilang dumating, dumating sila,” pahayag ni Romualdez sa isang panayam.

Binigyang-diin ng Philippine envoy na walang pormal na imbitasyon para sa mga pinuno ng bansa upang dumalo sa inagurasyon ni Trumop.

Nauna nang sinabi ni Romualdez na tanging mga ambassador lamang sa Washington ang immbitado sa event bilang bahagi ng polisiya.

Sa kasalukuyan ay wala pang komento ang US at Chinese embassies sa Manila hinggil sa karagdagang detalye sa imbitasyon umano ni Trump sa Chinese leader. RNT/SA