Home HOME BANNER STORY ‘Sulit, Nutri’ rice ibebenta sa Kadiwa centers ngayong Enero

‘Sulit, Nutri’ rice ibebenta sa Kadiwa centers ngayong Enero

MANILA, Philippines- Ilulunsad ng Department of Agriculture (DA) ang dalawang abot-kayang rice options, ang Sulit Rice at Nutri Rice, bilang bahagi ng “Rice for All” initiative nito, kung saan sisimulan itong ibenta ngayong buwan.

Sinabi ni DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa nitong Huwebes na ibebenta ang rice varieties na ito sa Kadiwa ng Pangulo Centers sa buong bansa, piling public markets, at train stations sa Metro Manila.

“Sulit Rice, priced at PHP35 to PHP36 per kilo, consists of 100 percent broken grains but maintains good quality. We’ve tested cooking it at the office, and the quality is satisfactory,” pahayag ni De Mesa sa Bagong Pilipinas interview.

Mas masustansya ang Nutri Rice, ibinebenta sa halagang P37 hanggang P38 kada kilo.

“The nutrients in Nutri Rice are substantial, which is why we call it Nutri Rice. It offers both fiber and essential vitamins and minerals,” paliwanag ni De Mesa.

Bukod dito, patuloy na mag-aalok ang DA ng Rice for All sa halagang P38 hanggang P39 kada kilo.

“Marami tayong supply at we can assure the public na sapat ang supply para sa lahat,” pagtitiyak ng opisyal.

Nilalayon ng DA na makarekober ang palay production at umabot sa 20 million metric tons ngayong taon. RNT/SA