MANILA, Philippines- Mararamdaman ng mga Pilipino ang mas malamig na panahon sa mga susunod na araw mula sa hanging dulot ng Northeast Monsoon o Amihan, base sa ulat nitong Huwebes.
Batay sa datos mula sa PAGASA, karaniwang nararamdaman ang peak ng malamig na panahon sa Pilipinas, partikular sa Luzon, mula Enero hanggang Pebrero.
Sa Metra Weather’s Wind Forecast Map, posibleng umiral ang hangin mula sa Northeast Monsoon sa mga sumusunod na araw.
Ang pinakamababang temperaturang naitala sa kasaysayan ng Pilipinas ay 6.3°C sa Baguio City noong January 18, 1961. RNT/SA