MANILA, Philippines- Nasungkit ng isang mananaya ang P18.445 milyong Super Lotto 6/49 jackpot prize na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Huwebes.
Nahulaan ng mananaya ang tamang kombinasyon na 19-48-15-11-07-24 na may jackpot prize na P18,445,722.
Wala namang nanalo sa Lotto 6/42 nang walang makahula ng kombinasyong 37-41-05-33-42-40 para sa premyong P5.940 milyon.
Wagi rin ang dalawang 6D Lotto players ng tig- P725,387 sa mga numerong 6-2-6-7-6-4. RNT/SA