Home NATIONWIDE 24,000 indibidwal hagip ng hagupit ni Crising

24,000 indibidwal hagip ng hagupit ni Crising

298
0

MANILA, Philippines – Halos 24,000 katao o 7,501 pamilya ang naapektuhan ng Bagyong Crising sa Visayas at Mindanao, ayon sa NDRRMC nitong Biyernes.

Sa bilang na ito, 117 ang nasa evacuation centers habang 526 naman ang pansamantalang nakikituloy. Sa Central Visayas, tatlong landslide at 19 pagbaha ang naitala, habang 23 kalsada at dalawang tulay ang hindi madaanan.

Labinsiyam na pantalan ang nagsara, at sinuspinde ang klase sa 279 lugar at trabaho sa 58 lugar. Isang bahay ang tuluyang nasira at nagkaroon ng power interruption sa ilang bahagi ng Western Visayas.

Umabot sa ₱1.24 milyon ang naibigay na tulong sa mga apektado.

Ayon sa PAGASA, huling namataan si Crising 250 km silangan ng Tuguegarao City na may lakas ng hangin na 65 km/h at bugso na 80 km/h. Posible itong mag-landfall sa Cagayan o Babuyan Islands ngayong hapon o gabi. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here