Isang phreatomagmatic eruption na tumagal ng hanggang 12 minuto at anim na lindol, kabilang ang limang volcanic tremors, ang naitala sa Bulkang Taal nitong Huwebes, ayon sa PHIVOLCS.
Nakita rin ang mahinang bugso ng abo na umabot sa 400 metro at sulfur dioxide emission na 504 tonelada ngayong linggo. May long-term deflation sa Taal Caldera at short-term inflation sa southeastern flank ng isla.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, susunod ang awtoridad sa abiso ng PHIVOLCS kung dapat ihinto ang paghahanap sa mga nawawalang sabungero sa Taal Lake.
“Pag hindi healthy—kung ito ay magiging balakid sa health ng tao tigil muna. PHIVOLCS will advise us kung safe or hindi,” ani Remulla. Santi Celario