MANILA, Philippines – Maghanda ang mga motorista sa panibagong dagdag-presyo sa langis sa susunod na linggo, ayon sa Department of Energy (DOE).
Batay sa apat na araw na trading, maaaring tumaas ng humigit-kumulang ₱0.50 kada litro ang presyo ng gasolina, diesel at kerosene, sabi ni DOE-OIMB Assistant Director Rodela Romero.
Tinataya namang tataas ng ₱0.70–₱0.90 ang diesel at ₱0.30–₱0.50 ang gasolina, ayon sa Jetti Petroleum.
Ia-anunsyo ang opisyal na taas-presyo sa Lunes at ipatutupad sa Martes. Santi Celario