Aabot sa 241 estudyante mula sa University of the Philippines Diliman ang magtatapos bilang summa cum laude ngayong taon, ayon sa datos ng unibersidad.
Bukod dito, 1,143 ang magna cum laude, at 985 naman ang cum laude. Bahagyang bumaba ang bilang ng summa cum laude kumpara sa nakaraang taon na may 286 na nagtapos sa naturang karangalan.
Gaganapin ang graduation sa University Amphitheater sa darating na Linggo, Hulyo 6, kung saan si Jessica Soho ang magiging guest speaker.
Magbibigay naman ng valedictory address si Mark Andy Pedere, isang estudyante ng Philippine Studies na may WAG na 1.066. Santi Celario