Home METRO 3 deliverymen timbog sa pagnenok ng parcel

3 deliverymen timbog sa pagnenok ng parcel

MANILA, Philippines – Naaresto ng pulisya sa Antipolo City ang tatlong deliverymen na umano’y nagnakaw ng mga package mula sa kanilang mga deliveries na nagkakahalaga ng P15,539.81.

Naaresto ang tatlo na kinilala bilang “Jude,” “Carl,” at “Elise,” at narekober ang limang kahon ng mga produkto.

Nadiskubre ng auditor ng kumpanya ang pagkawala ng mga parcels matapos masilip sa CCTV footage na dinala ng mga suspek ang mga produkto sa isang pribadong tahanan sa Barangay Santa Cruz nang walang katumbas na delivery receipt.

Kasalukuyan silang nasa kustodiya ng Antipolo City Police Station at haharap sa kasong qualified theft. RNT